Ekonomya ng Pilipinas
Enero 29, 1998
Ba't buntót ekonómya ng Pilipinas, nang nung 1960s, sya'y kalwang yamang Silangan? Ba't ngayon, halaga ng píso (Pi) kontra dulyar (EU) ay kulelat (ratio ng h 50:1) ganun na rin laban sa salaping mga Unang Mundong Bansà? Kung ika galing ekonómya, mahina magbenta ng yaríng prodúkto ang Pilipinas, paanan ang GNP at lalo na ang GDP. Ang presyo ng mga prodúkto palabas ay lubhàng mababa sa pakay maibenta, na di suliranin ng empleyador kung mas‑mababaw ang sweldo ng mga manggagawà, ay kikita parin sya. Sa tuos na madlang sweldo ba‑tao sa Pilipinas sa dulyar EU ay $35 ka‑linggo, samantalang sa Hilagang Amerika ay $150‑$750 ba‑linggo. Kasindák ang agwát, na liitman 21 beses. Ito ba'y tama sating mga masipag namamamayan? Tarung, lalo na sa mga makumbang trabahador na tanging pasyán ay pakainin kanilang gutom na pamílya ? Kunwa na ika'y empleyo ng kompanya ng dayuhan (Intel, IBM, Toyota...) Swerte mo'y may kwarta ka ngà pambili ng pagkáin, damit, atkotse na rin, unawain mo rin iyong waring mabúting palad, ay lalong kina‑pakinabang ng iyong boss, na
habang sya'y may‑kita laksa ulit ke sayo, ika'y taú‑taohan nya. Ikaw ngà'y gumínhawà, subalit nakakalamang ang iyong empleyador, na maging sya'y dayuhan, may iuuwíng pera, na sa tulong mo'y sahod ng dayuhang pamahalaan.Kahanggan, apresyado kanilang salapi, depresyado ang atin, na, iyong natamo sa pagbigat ng presyo ng mga bilihin. Ba't kelangan mag‑export ang Pilipinas ng mga saligang prodúktong pagkain na mura para magkasúkli, kung sariling mga ának ng bayan ay gutom? At ba't kelangan mag‑export ng prodúktong kahoy kung inang kalikásan ay naka‑kalbo? Kalabsa't patol nya sa pagit ng mga grabeng sakuna para sa mga tiwasâ? An saklap masakdal na, ma‑ayang man ang Pilipinas sa kalikasan, dahilang abusado o pabayan, ay nagu‑dusa. Ni lankitan o bihirà puno't halaman sa lunsod, nalaláson ang mga mamamayan, di man pansin, ay nakakapuwing. Kung mag‑import man, ay an mahal at di saligan, nanasang walang bulo? libangan nagpapasaya ay bísyong nakakaláyaw, maiwan at malimot ang bayang nabulosan. Mga import na materyál ay kelangan ba? Mga CD, computer, sportscar, cellphone, roller blade... ay kalipasan at hilig ngà, pero sino may kayang sapunan here, kundi mga mayáyaman at mahárlikha. At anong natira sating mga matapat, at karaníwang tao? Kahirapan! pagkat kung di maghirap ay lalong maghihírap, walang takas sa patibong ng dakilang pera. Nang malala pa'y nakakailing ang tukso ambag ng IMF, bakit tayo aasa sa utang, kung pwede tayong magsipag, magtipid, maging masaya na sa meron. Iniikot kang duyan habang kinakatasan, nang mahiló'y sayo'y kulang. Masasabi bang kayo'y gináhasà ng mga mayaman, ng mga dayuhan? Kung may utak kayong uliràn, kung gináhasà kayo, nagpagáhasàa narin kayo‑‑Tanggapang mapait, hinggil sa makúmbabang loob, gamus, o bulag sa lahong totong larawan na kayo'y imitado na búsabos, sangkap, o biktima kinaabantag ng mga sakim na negosyante. Pansin nyo bang lanpakelam mga bányagà nabwisita rito sa silid talakayan sa salot ng mga Pilipino? Na basta lang sila'y may ia‑yabang, ay sulit narin pakay nilang manggulo? Sila'y munting mga peste, pweding bayaan, mas importánte alam natin ating paksa. Híndi sa dapat itaboy mga dayuhan, o talikdán kanilang gawa't ugali na pawang may maypakulo gano man. Ngunit, ba't di tayo gumawà ng sariling atin na ikakahangya natin, ikakamanghà nila? Bakit magtiis sa trabahong magtinda ng junkfood o magsayang ng oras sa mga maliit na bagay kung meron namang kapasidad magtaguyod ng serbisyo ikakalining sa masang Pilipino? Hwag itapon ang opurtunidad maka‑sasabikan, ihumog wasto ang balatong para ikakasigla at ikakabuti sa buhay ng
tao‑‑iyan ang ekonómya, paúnlarin, maging hwarang bansâ, bansang haribon‑‑Pilipinas. Pilipinas, angking Pilipino!
No comments:
Post a Comment