Friday, February 6, 2009

Kina May-poot

Enero 25, 1998

Para sa mga galit sa INC: Ire ang maitatanong ko san’yo para sagutin ng tapat, ano ba mga sala ng INC? Nasaktan ba kayo kasi lang sa kanilang mga katwang paraan ng pagsamba sa kanilang dyo? Sa paglimbag ng mga iglesia hindi bundok na basura? Malumbay ba sila sa kanilang napiling daan? Dyos ba kayong may balag magtutol kung ano ang tama o mali? Wala ba kayong galang sa karapatan ng iba na magsanay sa kanilang relihyon? Kayo ba’y lubos?

Pag sagot nyo’y “Wala” o “Hindi,” kayo’y maligalig at kailangan ding malalang saklolo. Pag me kahit isang tugon na “Meron,” o “Oo,” kelangan ko pa ipalinang para mahagap nyo ang badya.

Ang mga relihyon ay may kankanyang patakaran ukol sa pagsamba, paglimos, paghikayat, pagboto, pagtalin… Halim ng paglimos ng INC, sila’y pilitang naga-ambag, kusang loob na naga-ambag, at di ko pa natamo kung meron di naga-ambag hinggil na sila’y abonghirap. Di naiiba sa ibang relihyon, tulad ng Katolika, Baptista, Anglikan, Islam, o Bhuddism. At gaya ng iba, kelangan din ng INC magkaron ng bahaysamba, simbahan, o iglesia, kaya knailang tinatayo hyon.

Tuos ko sa Amerika at Canada, na marami mang mga sanga at sekta ng relihyon at pilosopya, tanyag man o hindi, ay may layang namamampalataya, kahit tabi-tabi rin ang kanilang mga bahay dasal, ay walang alitan o gulong nangyayari sa isa’t-isa. Kung meron, di kasing lala ng gamtan dito (MB silid talakayan), o sa Pilipinas. Ito’y sanhi ng nabihas na mamamayan, may respeto at malawak ang pagtanggap o manhid sa nakakaiba, na sa ilalim ng saligang batas.

Di na bago o bihira ang mga pahayag ng ‘hate pages’ sa internet, namasa na ng meron-alit ang teknologa, maghayag ng mga poot laban sa ibang tao, kasi lang sa kanilang relihyon, kutis, nasa-mana na etniko, raca, lengua, o iytan, atbp… An saklap nangyayari, at mali. Lanpuntan kundi paurong ng racang human, paatras ng ebolusyon.

Nais ba nating maging parang digmaan nimamalas sa Hilagang Ireland, Bosnia, Rwanda, Gitnang Silangan, at Algeria, na ilan lang sa mga lugar, kungsan, ang poot na malapot ay kumukulo, nang umapaw o sumabog, at ikalabsa’y madugong katayan at karsiraan? Hindi, hwag natin tulotin to.

“Lipulin ang sunong nang maliit pa,” mas-buti pa,
“Iwasan ang sunog bago mangyari.”

Hindi sa gusto kong magtalin, o makitalo, hagap ko lang na walang masam magsamba na mapayapa, at pinagtatanggol ko lang kahit munting karapatan nila. Tao rin sila! AT ang tao ay may runong mag-isip, magplan, pumili ng raan sa pakay ng kanilang karonan, at isagawa hyon. Gaya nyo, nagkakamali rin ang mga kasanib ng INC, pero heto’y di sadya sa ngalan ng kanilang relihyon, at likas na labag, o sala rin nina Adam at Eve, o pagkulit ng gamus na ninunong unggoy, ay aninag ng inyong mga pagkukulang.

Para narin kina meron poot kontra ibang relihyon at pilosopya at sugo nito, gaya ng Sikh, Taoist, Hindu, Mormon, etc… Unawain nyo muna ang dialam, sulisitin ang hiwaga at makakamit nyo ang sagot… Buksan inyong damdamin, tanggapin ang budhi at karangalan at karapatan ng human. Kaya itigil inyong pagu-usig, o baka langhapin kayo ng kumunoy, at malunod.

No comments:

Post a Comment